Pagnenegosyo ng School Supplies

August 20, 2010

Isang sulat ang natanggap ko na humihingi ng payo sa binabalak na negosyo. Ito ang sabi ng sumulat:

“Isa po akong empleyado na mahigit 10 taon nang nagtatrabaho. Gusto ko sanang magnegosyo pero hindi ko alam kung paano magsisimula lalo pa sa dahilang maliit na kapital lang ang kaya kong ipuhunan. Hindi ko pa naman binabalak tumigil sa pagtatrabaho dahil maganda naman ang suweldo sa aming kumpanya pero gusto kong magnegosyo para madagdagan ang kinikita ko. Mahilig po akong magtinda katunayan ay nasa networking business ako at nagbebenta ng mga damit sa mga kaopisina ko. Pero paunti-unti lang ang nagagawa kong pagtitinda dahil hindi ito pinapayagan ng kumpanyang pinapasukan ko. Sa pagbabasa ko ng mga artikulo ninyo, nagkaroon ako ng inspirasyon at naisip kong magbukas ng isang maliit na tindahan ng mga school supplies. May kaunting kaalaman din ako sa handicrafts. Kung sakali, sapat na kaya ang P100,000 puhunan? Paano ko sisimulan ang binabalak kong tindahan? Saan kaya mainam mamili ng mga paninda? Sana ay matulungan ninyo ako.”

Ang sagot ko sa sumulat:

Nakikita kong masipag ka at malaki ang pag-asang magtatagumpay ka sa pagtitinda. Pinasok mo ang network marketing kaya nga lamang ay bawal ito sa pinagtatrabahuhan mo. Mainam na nakukumbinse mo ang iyong mga kaopisina na bumili ng mga paninda mo dahil nangangahulugan ito na may kaaya-aya kang personalidad.

Karamihan ng mga nagtitinda ay bumibili lang ng mga produkto at ibinibenta ang mga ito sa presyong may tubo. Kritikal sa pagtatagumpay ng ganitong negosyo ang:

PAGPILI NG MGA PANINDA

Ipagpalagay na nagdesisyon kang magbenta ng mga school supplies. Mahalaga pa rin ang pagpili ng mga produktong ibebenta. Kadalasan, dapat iayon sa mga tinatarget na mamimili ang mga ititinda. Alamin kung ano ang gusto nilang bilhin. Malaking bagay sa ganitong negosyo ang lokasyon. Dapat malaman kung anu-anong paninda ang nasa paligid na at aling mga bagay ang wala pa. Huwag nang gayahin ang anumang ipinagbibili na ng ibang mga kalapit na tindahan. Sakaling gagawin ito, dapat ay mayroong kakaiba sa mga ibebentang produkto para maging interesado ang tinatarget na kostumer.

Tandaan na kritikal sa pagdedesisyon ang katiyakan na patuloy na tatangkilikin ng mga mamimili ang mga paninda. Dapat din ay may sapat na bilang ng mga kostumer para manatiling kumikita ang negosyo. Sa madaling salita, tiyaking may sapat na bilang ng mga mamimili na tatangkilik sa iyo maging sa mga kakumpitensiya sa ganitong negosyo.

Sa susunod na kolum, tatalakayin ko ang tungkol sa:

MAINAM NA MAPAGKUKUNAN NG MGA PANINDA, PAG-UNAWA SA MGA GASTUSIN, PAANO MAGKAROON NG TUBO O KITA, PAGTATAKDA NG PRESYO, AT KUNG ANO ANG MGA DAPAT PAG-INGATAN.

Kombinasyong Mutual Fund at Insurance

August 20, 2010

Sa artikulong ito, ipaliliwanag ko ang isang uri ng insurance policy na nagbibigay sa nakaseguro ng alternatibong pumili kung gusto niya ang higit na proteksiyon o pamumuhunan sa ilalim ng iisang insurance instrument. May mga nagtatanong rin sa akin tungkol dito.

Tandaan na tulad ng mutual funds, walang garantiya o katiyakan sa magiging rate of return o pagbawi sa perang ipinuhunan na may kasamang kita. May ilang Variable Unit Life Insurance(VUL) policies na gumagarantiya ng pagbawi ng prinsipal na puhunan kung pananatilihin ito sa loob ng tiyak na haba ng panahon. Sa ganitong kaso, mababawi ang ipinuhunan kahit hindi kumita.

Mainam na alternatibo ang VUL policy kung kakailanganin ang isang life insurance protection. Pangunahing kalamangan sa ganitong uri ng seguro ang pagkakaroon ng pinagsamang mutual fund at insurance coverage. Ang mutual fund na kasama sa VUL ay itinatag at pinamamahalaan mismo ng kumpanyang nagseseguro. Karaniwang may mga ahente ng insurance policy at ang kanilang mga komisyon ay ibinabawas sa premium na binabayaran ng nagpaseguro. Ibig sabihin, ang porsiyento ng premium na napupunta sa bahagi ng mutual fund ay nababawasan dahil sa komisyon ng ahente.

Dapat tanungin ang insurance provider tungkol sa magiging epekto ng komisyon ng ahente at kung sa anong uri ng mutual fund pinakamainam ipuhunan ang iyong babayarang premium. Ang mga uri ng mutual fund ay kalimitan “fixed Income”, “equity” at “balanced.” Intindihin mabuti ang mga detalye ng kontrata lalo na ang “lapsation” o kung ano ang mangyayari kung sakaling hindi ka makabayad ng “premium.” Makakansela ba ito o ganong katagal kang bibigyan ng panahong makabayad?

Kadalasan ay mas mura ang mga VULs at mas kumikita ito kumpara sa ordinaryong life insurance policy. Isa pang kainaman ng VUL ay hindi ito nahaharap sa tinatawag na garnishment dahil produkto ito ng seguro. Ang garnishment ay isang prosesong legal kung saan kukunin ng kabilang partido ang mga pag-aari ng isang partido. Nangangahulugan ito na sakaling sumailalim sa foreclosure ang mga ari-arian ng nakaseguro sa anumang kadahilanan, hindi ibibilang ang VUL policy sa mga pag-aaring kukunin ng kabilang partido.

Sa kabilang banda, ang paglalagak ng pera nang direkta sa mga mutual funds ay nakatuon lamang sa pamumuhunan. Bibigyan nito ng higit na pagkakataon ang namuhunan na bawiin ang bahagi o buong halaga ng puhunan sakaling kailanganin ito. Kung magdedesisyong mamuhunang direkta sa mutual funds, mas makabubuting kumuha na rin ng term life insurance kung saan binibili ang proteksiyon kada taon.

Gusto ng Tiyak na Kita

August 20, 2010

Sa isang artikulo ay tinalakay ko ang sulat ng isang empleyadong nagretiro at nasagot ko na ang unang bahagi ng kanyang mga katanungan hinggil sa kanyang negosyo. Ngayon ay pag-uusapan natin ang mga alternatibong mapagkakakitaan na kanyang inihihingi ng payo.

Ito ang bahagi ng nilalaman ng sulat: “…Saan po kaya ako makakapag-invest o makapaglalagak ng pera na siguradong kikita? Sa bangko po kasi ay lumiliit na ang interest. Ok lang po ba na mag-invest ako sa mga insurance company na may stock investment? Nakakatakot po kasi ang kalagayan natin sa Pilipinas.Hindi ko po alam kung ano ang matatag na kumpanya para paglagakan ng pera. Magbigay nga po kayo ng kumpanya o banko na magbibigay ng malaking interest rate.”

Ang sagot ko:

Walang negosyo na may tiyak na kita. Pinakaligtas na pamumuhunan ang Treasury Bills/Bonds na bayarin ng gobyerno. Tiyak na makukuha mong muli ang ipinuhunan dahil kahit pa sabihing “walang pera” ang gobyerno, puwede itong mag-imprenta ng pera.

Why do I say it is still not sure profit? If the government does have to print money to be able to pay you, technically, it could mean that the value of money will be less. In very simple terms, this is because more printed money will mean that there will be more money going around and possibly the same amount of goods to be bought. This means that with more money going around, there could be inflation with a bigger demand for the goods and you might not get the same amount of goods as before. Of course, I am talking of an extreme case here and there are many ways that the government can remedy the situation.

Pero bakit hindi pa rin tiyak ang kita rito? Dahil kahit pa mag-imprenta ng pera ang gobyerno para makabayad sa iyo, posibleng mas mababa ang halaga o value nito. Sa madaling salita, kapag mas marami ang inimprentang pera, mas marami ang nasa sirkulasyon at maaaring ganoon din ang halaga ng mga produktong bibilhin. Kapag maraming pera ang pinaiikot, magkakaroon ng inflation dahil mas malaki ang kapangyarihang bumili pero hindi nagbabago ang dami ng mga produktong maaaring bilhin. Dahil dito, walang katiyakan na ganoon pa rin ang halaga ng mga produkto. Pero extreme case ang aking sinasabi at maraming paraan ang maaaring ipatupad ng gobyerno para resolbahan ang ganitong sitwasyon.

Tungkol naman sa mga insurance companies na mayroong stock investments, may kaakibat na positibo at negatibong aspeto ang mga ito na tatalakayin ko sa mga susunod na artikulo. Sa ngayon, importanteng tandaan na dapat ay handa kang panatilihin ang iyong puhunan sa loob ng hindi bababa sa limang taon. Ang mga ganitong klase ng puhunan ay hindi panandalian. Ang iyong kikitain ay nakabase sa dagdag na halaga (increase in value) ng asset at hindi sa ibinibayad na interes.

Ang interes o kikitain ay mahalaga pero importante rin ang katatagan at pangalan ng kumpanyang paglalagakan ng puhunan. Ngunit hindi maiiwasan ang mga pagbabago. Sino ba ang makapagsasabi na ang malalaking kumpanya tulad ng Lehman Brothers, AIG at iba pa ay babagsak? Hindi kapani-paniwala pero nangyari ito. Hindi ko maaaring idetalye sa iyo sa kolum na ito ang pangalan ng mga kumpanyang sa tingin ko ay matatag. Pero kung magpapadala ka ng e-mail sa akin maaari kitang bigyan ng impormasyon.

Pinakamahalaga pa rin na malaman mo kung ano ang iyong katayuang pinansiyal at dapat ay tiyak mo kung ano ang iyong layunin sa planong pamumuhunan. Nangangahulugan ito na dapat ay pag-isipan munang mabuti ang mga layunin para sa hinaharap. Alamin kung magkano ang kaya mong ilaan sa mga puhunang panandalian (sa loob ng dalawang taon), katamtaman (mula tatlo hanggang limang taon), o pangmatagalan (anim na taon pataas). Kung may ganito kang schedule, magkakaroon ka ng gabay sa pagpili kung anong mga alternatibong pamumuhunan ang nararapat sa iyo.

Negosyo ng Nagretiro

August 20, 2010

Nakatanggap ako ng sulat mula sa isang retiradong empleyado. Ito ang kanyang sinulat: “Ako po ay isang retiradong empleyado. Sumubok po kami ng trucking business pero di po kumikita dahil sa pagluluko ng nakukuha naming driver. Saan po kaya ako makakapag-invest o makapaglalagak ng pera na siguradong kikita? Sa bangko po kasi ay lumiliit na ang interest. Ok lang po ba na mag-invest ako sa mga insurance company na may stock investment? Nakakatakot po kasi ang kalagayan natin sa Pilipinas.Hindi ko po alam kung ano ang matatag na kumpanya para paglagakan ng pera. Magbigay nga po kayo ng kumpanya o banko na magbibigay ng malaking interest rate.”

Ang aking sagot:

Sa limitadong impormasyong ibinigay mo, dalawa ang nakikita kong maling hakbang sa pagtatatag ng isang negosyo.

Una, pumasok sa negosyong marahil ay wala kang sapat na kaalaman tungkol dito. Kung hindi ay dapat nalaman mo agad na isa sa pinakadelikadong aspeto ng negosyong ito ang mga driver. Dapat sana ay naging mas maingat ka sa pagpili ng mga kukuning driver o di kaya ay nagpatupad ka ng mga pag-iingat para maiwasan ang tukso sa mga nagmamaneho ng iyong mga sasakyan na gumawa ng hindi tama. Tinalakay natin noong nakaraang linggo na isa sa mga kailangan sa pagtatatag ng negosyo ang pagkakaroon ng passion o marubdob na damdamin at interes sa papasuking gawain. Maaaring itanong mo kung paano malalaman na mayroong ganitong passion sa pinasok mong trucking business. Una marahil ay kung may sapat kang kaalaman sa pagpapatakbo at pagmamantine ng mga trak. Ang ganitong negosyo ay mangangailangan ng kaalaman sa kung magkano ang gastusin sa pagkuha ng iba’t ibang klaseng permit at lisensiya mula sa pamahalaang panlalawigan o panlungsod, munisipyo at maging mga ahensiya sa barangay. Bukod pa sa pagiging maselan ang isyu ng pagkuha ng driver, dapat ay may detalyadong impormasyon ka hinggil sa iyong mga kliyente, iyong mga sasakyan at kalagayan ng kapaligiran o kaligtasan sa mga lugar na sakop ng iyong operasyon.

Ang pangalawang maling hakbang na iyong ginawa ay hindi mo binigyang konsiderasyon ang iyong edad. Dahil nga retirado ka na, masasabing nasa higit 60 anyos ka na at ang iyong kakayahang humarap sa mga suliranin ay halos hindi na ganoon kataas. Nasabi ko nga sa nagdaang pagtalakay na 5 hanggang 15 porsiyento lamang ng mga bagong negosyo ang nagiging tagumpay sa unang limang taon ng operasyon. Malaki ang tsansa ng pagkalugi at dapat alamin ang kahandaang humarap sa mga risks. Sa iyong kalagayan, wala ka nang regular na kita o suweldo dahil posibleng wala ka nang sapat na pisikal na lakas at talas ng pag-iisip para gawin ang mga regular na trabaho. Sakali mang may kakayahan ka pa, kakaunti lamang ang maaaring kumuha sa iyo. Kaya dapat kang maging mas maingat sa pamamahala ng naipong pera. Hindi ka na maaaring magkamali dahil kakaunting panahon na lamang ang mayroon ka para makabawi. Hindi naman masamang magkamali kung may sapat kang panahon para makabangon.

Kahit Ano’ng Negosyo

August 20, 2010

Nakatanggap ako ng sulat mula sa isang mambabasa at ito ang kanyang sinabi:

“Gusto kong humingi ng payo kung anong negosyo ang maaari kong pasukin. Ako ay 29 anyos pa lamang pero gusto ko nang magnegosyo; kahit anong klase at kung magkano ang kailangan kong kapital. Maraming salamat.”

Mainam na kahit pa sa iyong edad ay naisip mo nang magnegosyo. Gaya ng iba, maaaring naisip mong mamuhunan sa paniniwalang solusyon ito:

- Para mai-angat ang iyong buhay pinansiyal. Pero dapat kang maging handa at tanggapin ang katotohanang nasa 5% hanggang 15% lang ng mga nagsisimulang magnegosyo ang nagtatagumpay sa unang limang taon ng pamumuhunan.
– Para maging kasiya-siya ang pagkakaroon ng trabaho na ikaw ang amo. Kung magiging matagumpay ang iyong negosyo, maituturing na malaking bahagi ng tagumpay ang pagiging maligaya sa iyong ginagawa.
– Para matakasan ang pagkabagot. Kahit anong trabaho, isa ka mang empleyado o negosyante, ay mangangahulugan ng paulit-ulit na gawain. Pero kung pag-aari mo ang negosyo, puwede kang magddagdag ng iba pang gawain o magkaroon ng iba pang mga produkto para bawasan ang pagpapaulit-ulit.

Ang mga nabanggit kong aspeto ay resulta ng isang pamumuhunang pinag-isipang mabuti at sadyang nababagay sa iyo. Walang sinumang makakapagsabi kung ano ang pinakamainam para sa iyo. Ikaw lang ang makakaalam kung alin ang makabubuti sa iyong sarili.

Apat na Bagay na Kailangan sa Pagnenegosyo

Masidhing Damdamin o Passion: Kung talagang determinado kang magkaroon ng sariling negosyo, dapat mong itanong sa iyong sarili kung ano ang iyong mga kakayahan at kung anong bagay ang pinagtutuunan mo ng masidhing damdamin. Sa ganitong paraan, makatitiyak kang ang papasuking negosyo ay magiging kasiya-siya sa iyo at kaya mong gawing mag-isa o sa tulong ng ibang tao na maaari mong turuan.

Merkado o Market: Dapat mo ring tiyakin na may merkado ang iyong produkto o serbisyo. Alamin kung may tuloy-tuloy at sapat na pangangailangan para dito (halimbawa ay kung may sapat na bilang ng mga mamimiling tatangkilik ng iyong produkto o serbisyo). Maaaring simulan sa pagmamasid sa iyong komunidad o opisina para malaman kung anu-anong mga produkto at serbisyo ang kailangan pero hindi pa nagagawang ibigay ng iba. Pagkatapos ng obserbasyon, itanong mo sa iyong sarili kung handa kang ipagkaloob ang produkto o serbisyong kakailanganin. Alamin din kung kailangan mong mag-aral o magsanay para magawa ang produkto o maipagkaloob ang serbisyo.

Teknolohiya: Tiyaking may kakayahan kang gawin ang naisip na produkto o serbisyo na maganda at kayang sustenahan ang kalidad at sa antas ng gastusing kayang kontrolin.

Accounting: Panghuli, sakaling natiyak mo na ang mga nabanggit, kailangang magkaroon ng sapat na kaalaman sa accounting para mapamahalaan nang tama ang iyong puhunan. Dapat itala lahat ng transaksiyon para malaman ang aktuwal na kalagayang pinansiyal ng iyong negosyo anumang oras.

Ang kakailanganing kapital ay depende sa papasuking negosyo.

You Are Who You Think You Are

May 18, 2010

I came upon this article, which quotes George Bernard Shaw, a famous Irish playwright who was awarded both a Nobel Price in Literature in 1925 and an Oscar in 1938. He said, “People are always blaming their circumstances for what they are. I don’t believe in circumstances. The people who get on in this world are the people who get up and look for the circumstances they want, and if they can’t find them, they make them.”

This is a very real statement in life. It also applies in the financial state of each person. This is why I have always advised that each person should have a Personal Financial Plan. No matter how small your assets may be and/or how small your income is, you need to know how much you are worth financially. From that realization of what you are worth, you can then plan on to what you want to have at each future stage of your life.

Each of you has a choice on whether you want to move on or not. You might say perhaps that that is not true for in your case because you are just too poor and you just do not have opportunities. Beggars in the streets may be there because their minds just do not have the capacity to think and they don’t know any better. But, if you can read this article, then certainly you don’t fall under that category.

If you are someone who is just worrying and wondering what will happen to your financial life, then your financial life really goes nowhere and becomes nothing.

In his book, the Strangest Secret, Earl Nightingale gave this very clear example of how the mind works. He said: “Suppose a farmer has some land, and it’s good, fertile land. The land gives the farmer a choice; he may plant in that land whatever he chooses. The land doesn’t care. It’s up to the farmer to make the decision.

We’re comparing the human mind with the land because the mind, like the land, doesn’t care what you plant in it. It will return what you plant, but it doesn’t care what you plant.

Now, let’s say that the farmer has two seeds in his hand- one is a seed of corn, the other is nightshade, a deadly poison. He digs two little holes in the earth and he plants both seeds-one corn, the other nightshade. He covers up the holes, waters and takes care of the land…and what will happen? Invariably, the land will return what was planted.

The human mind is far more fertile, far more incredible and mysterious than the land, but it works the same way. It doesn’t care what we plant…success…or failure.”

Using the above story of Earl Nightingale, in the same way, your financial life depends on how you think. Therefore, if you think success in your financial life, plan how you will get there and work hard to make the plan happen, you will reap success.

Spending on Happiness

May 18, 2010

I would like to re-visit the topic of sharing and generosity after reading an article published by Professor Michael I. Norton and his colleagues at the Harvard Business School on how money leads to happiness.

Their main findings are: Although people believe that having money leads to happiness, studies suggest that they are happier if at least some of the money is given to others.

They noticed that while people spend so much of their time trying to make more money, having more money didn’t seem to make them that much happier. They conducted a number of studies and saw that when people spend part of that money on others (giving gifts to family and friends, donating to charities) rather than on themselves (buying better televisions, cell phones etc.), they in fact become more satisfied with their lives.

They found that it was not the absolute amount—that predicted their happiness. In other words, people don’t have to be wealthy and donate hundreds of thousands of money to charity to experience the benefits of sharing. Small amounts of money given to others can and do make a difference.

The studies were conducted in the United States but this is a trait already practiced by most Filipinos. This is perhaps the reason why Filipinos are a happy people, in general. We are poor as a country and as a people. But we have strong family ties and most Filipinos, no matter how little they have, share with the rest of their family. This is a wonderful trait that makes us different. This is why so many of our countrymen leave their families to go abroad to earn a good living. It is usually not only for themselves but also to be able to share.

What we need to remember though is that we cannot share what we do not have. We already have the wonderful trait of generosity. However, it becomes negative over the long run when we end up giving away everything to the extent of not having anything saved up for the future. Sure, we are happy while we are helping but what happens when the time comes to retire and we have not prepared for retirement. We end up expecting those we helped to help us in return. This, in return, reduces their own capability to prepare for their own retirement.

What I am trying to say is to be moderate in everything we do. Let us learn to earn as much as we can, share some of it with our family, friends and community. But, let us save and grow what we save so that when we retire, we do not expect anyone else to support us in our retirement.

BUILD TO SELL or TO RENT OUT

May 18, 2010

John and Marsha (not their real names) wrote me. They are in their mid 40s and have good jobs. In fact they have three lots in the mountains with a beautiful view. They have some loans but they want to pay them off so that they can build their retirement home in one of the lots. However, they are thinking of going into “build and sell” or “build and rent” for the other two lots to earn some money. They are asking my advice on what they should do first.

As you can see their concerns are complicated. I can only give some general ideas since I have no idea of their total assets and net worth. Therefore, my comments do not take the total picture into consideration.

I want to focus on two thoughts:

1) having a retirement house in the mountains

2) building to sell or rent out.

It is definitely great to have a retirement house provided their personal statement of assets and liabilities can support it. However, John and Marsha are in their 40s and far from retirement. Unless they are planning to rent it out, the retirement house will be a non-earning asset. In fact, they might even end up spending their retirement income just to maintain the house. They will retire in 20 years yet. The house might not even be desirable by then.

However, if they have made their personal financial plan and have more than enough funds for their retirement even at this point in time, they could build their retirement home even this early and enjoy it as a vacation house.

Building to either sell or rent out could be a good business. What is important to make a careful study of the costs and the expected selling price or rental income to make sure that the investment will provide attractive returns. Key issues in this type of business are:

1) Contacts with reputable and reasonable builders and suppliers to ensure that the building cost is low. In any kind of building, cost overruns are possible and could make the project lose money.

2) Proper administration. If the owner cannot do this, he must have a knowledgeable project manager to supervise the builders and trustworthy bodegero for inventory control. This is especially important since a house in the mountains will definitely be far from their place of work.

3) Proper marketing to ensure that the property will be sold or rented out quickly. Any delay will mean either additional interest for loans unpaid or lost opportunity for income.

4) Source of low interest long-term loan with affordable amortization.

While many readers may not have this kind of assets, you can use the same principles of you are thinking of building a house to either sell or rent out.

Magmula sa kurso, eskuwelahan, etc… WARNING SA PARENTS NA TODO-GASTOS SA PAG-AARAL NG ANAK

May 18, 2010

Ang akala ng karamihan sa mga magulang, ang pinakamagaling na klase ng

edukasyon ay ‘yung pinakamahal. Kaya tuloy kapag mahal ang sinisingil na

matrikula ng eskuwelahan, iniisip nila agad na mataas ang kalidad nito, at garantisadong kapag sila¹y nagtapos ay makakakuha agad sila ng magandang trabaho at gaganda ang buhay nila. Itinuturing nila ang edukasyon na puhunan para sa kinabukasan ng mga bata.

Pero, paano kaya kung titingnan natin ang edukasyon bilang isa lamang talagang puhunang pinansiyal? Karamihan sa ati’y halos magpakamatay na sa pagtatrabaho mabigyan lang ng mamahaling edukasyon ang mga bata, kahit na mapabayaan na ang iba pang pangangailangan. Bakit? Dahil nakundisyon na ang ating utak na kapag mas malaki ang ipinuhunan mo sa edukasyon, mas malaki rin ang balik. Ang mas masama pa, maraming naniniwalang huhusgahan sila ng lipunan batay sa kung saan nag-aaral ang kanilang mga anak. HINDI ITO TOTOO!

Kung kita o tubo sa puhunan ang pag-uusapan, dapat nating kuwentahin at ihambing ang halaga ng gastusin sa pormal na edukasyon at ang perang kikitain ng nag-aral habambuhay kapag sila’y nakapagtapos. Patuloy kasi nating ipinakukuha ang ating mga anak ng mga kursong walang gaanong pinansiyal na pakinabang kundi ang makakuha ng trabahong katamtaman lang ang kita.

Minsan ay hindi na kailangan ng titulong pangkolehiyo para kumita at magpayaman; mukhang ang kailangan na lang ay abilidad at galing sa pagsasalita o sa komunikasyon.

Sa panahon ngayon, ang pinakamainam na klase ng edukasyon ay ang entrepreneurial o may kinalaman sa negosyo pero nakatuntong pa rin sa liberal arts; ito ang susi sa tagumpay na pinansiyal.

Importante ang liberal arts dahil tinuturuan tayo nito kung paano mag-isip, kung paano suriin ang problema at maghanap ng mga solusyon, kung paano gumawa at magdagdag ng halaga. At ang mas importante, ihinahanda nito ang ating isipan para maging punla ng ating intelektuwal na kapital, na para sa marami sa atin ay siyang tunay na panghabambuhay na kapital.

Kung tatanggapin natin ang mga katwirang ito, malinaw na hindi talaga kailangan ng pormal na edukasyon para kumita nang malaki. Mas maigi pa siguro kung paghaluin na lang ang pormal at impormal na pag-aaral, at hindi na kailangang gumastos ng malaki para rito.

Halimbawa, maaari pakuhanin ang iyong anak ng pandalawang taong kurso sa communication arts at suportahan pa ito ng kursong pagsasanay sa pagnenegosyo o ‘di kaya’y ibang kursong vocational sa halagang kalahati lang ng gagastusin sa ordinaryong kursong pangkolehiyo. Hindi nga lang siguro ganoon kahanga-hanga ang magiging kurso ng anak mo, pero puwede naman siyang kumuha ng iba pang diploma o sertipiko ng mas bigating kurso anumang oras niya piliin sa hinaharap. Basta’t kung pakukuhanin siya ng pormal na kurso, payuhan rin siyang sabayan ito ng pagsasanay o praktikal na karanasan sa trabaho. Sa ganitong kombinasyon ay mas marami siyang mahalagang bagay na matututunan at mahahasa pa ang galing niya sa pagnenegosyo. At ang pinakamaganda, dahil hands-on ang pag-aaral niya, siguradong hindi lang ito magiging kapaki-pakinabang para sa kanya kundi masaya at kaiga-igaya pa!

Papaano ba makapag-iipon para sa matrikula at iba pang gastusin sa eskuwelahan o kolehiyo?

Kadalasan, ang matrikula’y puwedeng bayaran nang taunan, kada kalahating taon o kuwartuhan o kahit buwan-buwan. Minsan, nagbibigay ang eskuwelahan ng diskuwento kung makapagbabayad na agad bago pa magbukas ang klase.

Kung may sapat na pera at ang diskuwento ay higit sa isang porsiyento, na siyang interes ng short-term savings deposit, maiging kuhanin na ito. Siguraduhin nga lang na ganoon nga ang makukuhang diskuwento.

Suriing mabuti ang mga kasulatan na ibinibigay at huwag mahiyang magtanong para maintindihan kung anu-ano ang mga binabayaran. Minsan kasi’y ‘di malinaw na nakasaad ito sa bill ng eskuwelahan.

Halimbawa, kung ang halaga ng matrikula sa isang taon ay P10,000 at ang buwanang singil ng eskuwelahan ay P1,000 sa loob ng sampung buwan, malinaw na walang ibibigay na diskuwento kahit bayaran pa ang buong matrikula agad-agad. Pero kung ang buwanang bayad ay P1,100 sa loob din ng sampung buwan, ibig sabihin ay makakukuha ng 10 porsiyentong diskuwento kung ibibigay nang agad ang buong PhP10,000. Para na ring “namuhunan” sa pagbabayad na matrikula at kumita ng 10 porsiyento, na higit na mataas kaysa isang porsiyentong interes na kikitain ng pera kung ilalagay lang ito sa ordinaryong savings account.

Kung wala rin namang iniaalok na diskuwento sa pagbabayad nang buo, mas maigi pang magbayad na lang ng hulugan. Pero meron pa ring mga dahilan kung bakit dapat piliing magbayad nang buo kung may pera rin lang naman.

Narito ang dalawa:

1. Siguradong hindi magagastos ang pera. Madali kasing “utangin” muna ang perang pangmatrikula kung hindi ito ibabayad agad nang buo at baka pagdating ng oras ng bayaran ay walang mahanap na pampuno at mapilitang umutang.
2. Baka malimutan pang maghulog at mapatawan pa ng multa para sa huling pagbabayad at ‘di lang ‘yun, mapapahiya pa ang iyong anak. Karaniwan kasi’y hindi pinapayagang kumuha ng mga importanteng pagsusulit ang mga estudyanteng hindi pa bayad ang matrikula.

Sa mga nangangailangan ng mas malalim na pagsusuri ng kanilang kalagayang pinansyal at ng mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang retail investment options, mayroon kaming mga seminar para sa inyo. Mangyari lamang po na tumawag sa aming opisina 6373731 or 41 o di kaya’y sumulat sa info@colaycofoundation.com.

Pati na kung sino ang dapat ikuha… MGA BABALA AT DAPAT TANDAAN SA PAGKUHA NG INSURANCE

April 20, 2010

Dapat talagang matutunang pangalagaan at protektahan ang sarili dahil ito rin naman ang pangunahing nagagamit natin sa pagkita ng pera.

Puwedeng protektahan ang katawan, kaluluwa at isip, pero gayunpaman, may mga sakunang bigla na lang dumarating nang ‘di inaasahan. Puwedeng biglang bumagyo at bumaha at masira ang inyong bahay at mga gamit. Puwede ring biglang magsara ang kumpanyang pinapasukan at mawalan ng trabaho.

Bilang negosyante naman, kahit gaano pa kalakas ang kita ay puwedeng biglang magbago ang ihip ng hangin at malugi. Hindi talaga maiiwasan ang mga sakuna at aksidente kahit gaano pa kaingat. Maigi nang maging handa, kaya nga dapat seryosong pag-isipan ang pagkuha ng seguro. Anong klase ba at magkano ang kakailanganin?

May dalawang klase ng seguro: ang para sa buhay at ang hindi para sa buhay. Doon sa para sa buhay, makakatanggap ng benepisyo ang mga benepisyaryo kapag kayo’y namatay. Doon naman sa hindi para sa buhay, napoprotektahan ang mga ari-arian at iba’t ibang aspeto ng buhay sa maraming posibilidad.

Siyempre ang anumang klaseng seguro ay may bayad. Ang halaga ay batay sa kung anong klase at kung magkano ang polisiyang binibili. Kaya nga bago magbayad ng malaki, siguruhin munang kailangan nga ang binibili. Kailan nga ba kailangan ng seguro? Kailangan nito kung may mga taong umaasa sa perang kinikita. Ang seguro kasi ay proteksiyon para sa mga benepisyaryo. Pinapalitan nito ang regular na kita sakaling mamatay kayo.

Kung susuriin, hindi naman talaga maituturing na pamumuhunan o pag-iimpok ang pagbili ng seguro. Pero ngayon ay marami nang kumpanya ng seguro ang nag-aalok ng mga produktong magkasama na ang proteksiyon at plano para sa pag-iimpok. Siguraduhing naiintindihan kung anong bahagi ng bayad ang para sa proteksiyon at anong bahagi ang para sa pamumuhunan. Huwag bibili ng ganitong klase ng polisiya kung hindi naiintindihan kung magkano ang eksaktong halagang kikitain dito.

Kailangan lang naman talaga ng seguro kapag may posibilidad na malugi o mawalan ng malaking halaga. Halimbawa, kailangan ba ng inyong anak ng seguro, gayong hindi naman siya kumikita ng kahit ano? Ang sagot ay HINDI, dahil wala namang kahit sinong umaasa sa kanya. Walang malulugi o mawawalan ng napagkukuhanan ng pera sakaling siya ay mamatay. Ang totoo, kung ibibili ng seguro ang inyong anak, hindi siya ang makikinabang kung mamamatay siya, kundi kayo. Kaya nga walang dahilan para ikuha siya nito, maliban na lang kung kumikita na siya ng pera at umaasa ang pamilya rito, gaya halimbawa ng kung isa siyang artistang kumikita ng malaki.

Ang isang ahente ng seguro ay kailangang kumuha ng mga kurso para maintindihang maigi ang lahat ng polisiya at produktong ibinebenta. Kadalasan, ang kumpanya na ng seguro ang mismong nagtuturo sa sarili nitong mga ahente.

Maraming paraan ng pagbebenta ng seguro sa buhay. Puwedeng ibenta ito bilang whole life o term.

Kapag bumili ng segurong tinatawag na “whole life,” kailangan itong patuloy na bayaran habang ikaw ay buhay. Mas mahal ang bayad dito kaysa sa term dahil pwede kang makakubra ng pera kung umabot ka sa takdang edad nang hindi ka namatay. Pero kailangan mo ring ipagpatuloy ang pagbabayad dito kahit matanda ka na.

Sa seguro sa buhay namang tinatawag na “term,” taun-taon ang proteksiyon, at para lang sa takdang bilang ng taon, na pwede namang dagdagan batay sa edad at kalusugan ng taong sineseguro. Ang ganitong klase ng seguro sa buhay ang pinakamura. Mura lang ito dahil kung hindi mamamatay sa loob ng taon kung kailan ito binili, hindi na mababawi ang ibinayad. At lumalaki rin ang bayad taun-taon habang ikaw ay tumatanda.

Kung may nag-aalok sa inyo ng seguro, usisain at intindihin munang maigi kung:

  • Kilala ba at matino ang kumpanyang nag-aalok sa inyo;
  • Ang klase ba ng polisang iniaalok ay ‘yung kinakailangan ng taong iseseguro;
  • Magkano ang halagang kailangang bayaran;
  • Magkano at anu-anong klase ng benepisyo ang matatanggap ng mga benepisyaryo;
  • Ano ang mangyayari sakaling hindi maipagpatuloy ang pagbabayad;
  • Anu-anong mga pangyayari ang hahantong sa pagkakapaso ng polisiya;
  • Magkano ang komisyong matatanggap ng ahente;

Huwag ikahiya na hindi naiintindihan ang mga bagay na ito. Sanay naman ang mga ahenteng magpaliwanag tungkol sa mga iyan. Hindi sila puwedeng ahente kung wala silang pasensiya at ayaw nila ng kinukulit. Sa totoo lang, kapag nahalata nilang balak ninyo talagang bumili, sila pa nga ang mangungulit sa inyo. Huwag mangingiming magtanong nang magtanong bago pumirma. At kahit nakapirma na, tandaang meron pang mga ilang araw para makapag-isip at umurong nang walang multa. Suriing maigi ang polisiya hanggang sigurado na kayong gusto nga ninyo ito at kaya ninyong bayaran.

Malamang ay gamitin ng kumpanya ng seguro na pang-engganyo sa inyo ang mga polisiya nilang makatutulong sa inyong pag-iipon. Pero tandaang hindi kayo bumibili ng seguro para makapag-ipon, kundi para maprotektahan ang inyong mga benepisyaryo. Kung gustong mag-ipon at magpalago ng pera, maraming ibang instrumentong pinansiyal na mas makatutulong sa bagay na iyan.


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 32 other followers