Sidelines and Internet

Responsibilidad nating lahat na palawakin ang ating kaalaman at hasain ang ating karunungan. Ito lang ang paraan para magkaroon tayo ng oportunidad na kumita ng pera. Anu-ano nga ba ang mga oportunidad na ito at anong klaseng dunong at kaalaman ang kailangan para magamit sila?

Ilang beses na akong nakatatanggap ng sulat mula sa mga maybahay na gustung-gustong makatulong sa kanilang mga mister na tustusan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan at paginhawahin ang kanilang mga pamilya. Gusto nilang kumita rin ng pera, pero di nila alam kung paano. Ang tanong nga ng isang 38 years old na maybahay, “Saan ba ako dapat magsimula? Wala pa naman akong sapat na pahahon dahil ang buong araw ko’y nauubos sa pag-aalaga sa aking mga anak. May paraan ba talaga para kumita ako ng pera?”

Maraming paraan para kumita at makatulong sa pag-iipon ang isang maybahay. Pwedeng bawasan mo na lang ang iyong gastusin, o pwede rin namang magtayo ka ng sarili mong negosyo. Ang una mong dapat gawin ay isipin kung saan ka magaling. Ano ba ang iyong mga natatanging husay o talento? At ano ang talagang gustong-gusto mong ginagawa?

Kapag nagkaroon ka ng libreng oras, mag-ikut-ikot ka sa inyong barangay o sa mga villages at subdivision sa kapaligiran ninyo, —baka sakaling may mahanap kang pwede mong pagkakitaan. Halimbawa, baka maraming bata o mga dayuhan sa inyong komunidad na nangangailangan ng tagaturo. Kung gayon, hindi kaya magandang magtayo ka ng tutorial services? Magsimula ka nang maghanap—magugulat ka na lang na nandiyan lang right under your nose ang mapagkukuhanan ng extra income.

Marami rin sa mga serbisyong nakasanayan na natin noong ating kabataan ang wala na ngayon, gaya ng shoe shine. Dati-rati, ang mga batang shoe shine ay nag-iikot sa mga bahay-bahay upang linisin at pakintabin ang ating mga sapatos, pero ngayon wala na sila. Hindi mo ba naiisip na pwede mo itong buhayin at pagkakitaan muli? Kahit sa isang barangay o subdivision lang, o sa condominum, maaari ka nang magkaroon ng maraming parokyano na katumbas ng dalawang libong pares ng sapatos kada buwan. Kung sisingil ka ng P30 isang pares, kikita ka ng P60,000 buwan-buwan! Bakit nga ba walang gumagawa nito?

Ang isa pang magandang gawing negosyo ay ang laundry—napatunayan na na malaki ang kita dito. Tingnan mo na lang ang Lavandera Co. at iba pang katulad nila. Napakarami nang nagsulputan sa buong Metro Manila, at marami sa kanila ay kumikita. Ang ginagawa lang naman nila ay nagbibigay ng serbisyong kailangan ng lahat pero wala na halos napagkukuhanan. Ganyan din ang gawin mo. Tumingin ka sa paligid mo—marami pang iba diyan.

During these days, everybody should know how to use the Internet. Lahat kasi halos ng bagay ngayon ay matututunan o matatagpuan dito. Pwede kang mag-aral sa iba’t ibang institusyon; pwede kang kumuha ng mga babasahin tungkol sa halos lahat ng bagay; pwede ka pa humingi ng payo sa mga dalubhasa. At ang importante sa lahat— You can do business, invest and communicate with anyone in the world through the Internet.  Lahat ito pwede mong gawin sa napakaliit lang na halaga, kung alam mo kung paano. Buti na lang hindi naman mahirap matutunan ang paggamit ng Internet, lalo na kung desidido ka.

Naaalala ko nga noong 1994, labingapat na taon na ang nakalilipas, nang nagsimulang magkaroon ng texting ang Globe. Noong panahong iyon konektado ang asawa ko sa Globe kaya kami ng mga anak ko’y mayroon nang mga cell phone at nakakapag-text na sa isa’t isa. Wala pa halos nakaaalam tungkol sa texting noon at kahit nga ang Globe ay ilang libo pa lang ang subscriber. Walang nakakaintindi sa ginagawa namin at may mga nagsabi pa ngang pagsasayang lang ito ng oras. Lalo na ’yung mga medyo may edad na—ang sabi nila, hindi daw nila ito pag-aaksayahan ng panahon at hinding-hindi nila kakailanganin.

Pero ngayon, milyun-milyong tao na sa buong mundo ang nagte-text, at ang Pilipinas pa nga ang tinaguriang “Texting Capital of the World”! Ang pagte-text ay parte na ng pang-araw-araw na buhay nating mga Pinoy. Lahat tayo, bata man o matanda, dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa, nagte-text. In fact, many meetings and events would not be possible without texting.

Ganito rin ang nangyayari ngayon sa Internet. Marami na naman sa atin, lalo na ’yung mga may edad, ang natatakot dito at nagsasabing kahit kailan ay di sila matututo. Hindi lang kasi nila alam na isang malawak na bagong mundo ang naghihintay sa kanila kung pag-aaralan lang nilang gumamit ng Internet.

Napakaraming maaaring magturo sa atin at napakarami ring pagkakataon para matutong mag-computer. ’Wag sana nating sayangin, dahil kung marunong tayong gumamit ng computer at Internet, madali tayong makahahanap ng paraan para kumita at umunlad. Marami rin tayong malalapitan upang hingan ng payo ukol dito. Pero dapat ding mag-ingat, dahil gaya ng sa totoong buhay, may mga manloloko rin sa Internet. Hindi lahat ay dapat paniwalaan agad. Dapat pa ring kumonsulta sa totoong dalubhasang kilala ninyo at gamitin ang sentido kumon.  It is always best to check with the authorities like the Securities & Exchange Commission, Bangko Sentral ng Pilipinas and the Department of Trade & Industry when in doubt.

Kaya’t ngayon pa lang, mag-aral nang gumamit ng Internet!

Tags: , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: