OFW BORROWINGS

Dahil sa hirap ng ekonomiya ng buong mundo, malamang nabawasan na ang pag-shopping ng karamihan.  Ngunit hindi pa rin lahatang maaalis ang ang kalagayan ng nakararami sa ating mga domestic helpers sa Hong Kong.  Bagama’t sa Hong Kong ay napakalakas ng tentasyon sa “impulse buying” dahil sa “shopping malls” sa kapaligiran, sa aking palagay, itong situwasyon na ito ay malamang ang umiiral din sa mga OFWs sa ibang mga bansa.

Marami sa ating mga OFWs ay nahihirapang mag-“for-good”  dahil baon sila sa utang. Marami ang mga naglalakas loob lang na “maka-overseas”. Malaking utang ang iniiwan sa Pilipinas dahil kinailangan ang malaking halaga para may ipambayad sa agency. Mayroon namang halimbawa sa Hong Kong  na nagkakautang dahil sapilitan silang dinadala ng kanilang agency sa financing company para mangutang ng hanggang PhP50,000, bilang karagdagan sa naibayad na nilang placement fee sa Maynila.

Bukod dito, marami din ang na-eengganyong mangutang dahil madali, at walang collateral na kailangan. Iyon nga lang, mataas ang interest.  Sa Hong Kong, hanggang 60% daw ang legal na interest na maaaring ipataw ng isang pautangan. Sa dali ng pangungutang, lalo na’t kung clear naman ang record ng OFW, marami ang hindi na nag-iisip muna ng maigi bago humiram ng pera.

FAQs hinggil sa pag-utang ng OFWs

Ito  ang mga karaniwang  tanong :

1) Resonable  bang mangutang kung gagamitin para mag-invest sa Pilipinas?

2) Ano ba ang mga dapat isaisip muna ng isang OFW na nagbabalak mangutang?

3) Tama ba ang mangutang, dahil may inaasahan namang sahod buwan-buwan?4) Bagam’t  walang katiyakan ang haba o term ng  ang employment contract, tama ba ang mangutang ng pangmatagalan, katulad ng  housing loan, mula sa SSS at Pag-ibig?

Bago ang lahat, gusto kong pag-usapan ang situwasyon ng maraming lubog sa utang pag-alis pa lang sa Pilipinas.   Malaking utang ang napapasukan para lang makabayad sa mga recruitment agencies.

Alam ko na nangyayari ito.  Karamihan ay handang magbayad sa agency para lang makaalis dahil sa wala naman silang makuhang trabaho sa Pilipinas.  Handa silang magsapalaran na baka sakaling may maiimpok pa rin sila kahit na magbayad sila ng utang sa agency.  Sana man lang ay ma-compute nila bago sila umutang kung mababayaran ba ng sweldo nila ang utang nila.  Kung hindi sapat ang sweldo nila na pambayad sa utang, bakit pa sila aalis.  Maghihirapan sila ng walang katuturan.  Parang nag-OFW lang sila para magkaroon ng board and lodging sa ibang bansa.

Ngunit mayroon ding nagsasabi (mas lalo na ang mga batang wala pang responsibilidad sa buhay) na kahit wala silang maimpok, gusto nilang makatikim ng pagsakay sa eroplano at ng buhay sa ibang bansa.  Wala na akong masasabi dito kasi personal na ito.

Tungkol sa mga katanungan, mayroong Good Debt at mayroong Bad Debt.  Ang Good debt ay utang na magpapalago ng iyong Net Worth.  Ang Bad Debt ay kabaliktaran.

Ang nagpapautang ng walang kolateral o personal loan ay hihingi rin ng mataas na interes dahil malaki ang risko ng nagpapautang na hindi siya mababayaran at wala naman siyang pinaghahawakan na kahit na ano.

Bago ka mangutang, dapat mong tanungin ang sarili mo:

a)  Saan mo ba ilalagay ang perang inutang mo?  Kung sa negosyo o investment mo ilalagay, isipin mong maigi, ano ba ang risko ng negosyo o investment na iyon?   Kung malaki ang risko, hindi ka dapat siguro umutang. Tandaan mo na ang kabayaran sa utang ay tiyak na kailangan bayaran bwan bwan o taon taon. .  Samantala, ang kita sa negosyo ay walang katiyakan.  Kung ang  kikitain ng pera mo sa negosyo o investment na pinasukan mo ay kulang o malamang pa nga sa umpisa ay wala, yaong inutang mo ay magiging Bad Debt..

b) Kung uutang ka dahil sa gusto mong magpagawa ng bahay o mga layunin na maari namang maghintay, alam mo ba ang lahat ng detalye kung papaano mo mababayaran ang iyong utang?   Kung ang lahat ng kikitain mo sa pagka OFW ay mapupunta lang sa pagbayad ng utang kasali na ang malaking interes nito, baka dapat ay maghintay ka na lang muna.  Sikapin mo lang mag-ipon  muna bago mo ipagpatuloy iyong mga gusto mong magkaroon..  Dahil sa ang personal loan o utang na walang kolateral ay laging mataas ang tunay na interes, baka ang malaking bahagi ng iyong kita ay mapunta lang sa pagbayad ng interes.  Sayang naman ang sakripisyo mong nawalay sa iyong pamilya ng kay tagal.

Kung walang katiyakan ang iyong trabaho, hindi ka dapat umutang ng housing loan na ang “amortization” ay pangmatagalang panahon.  Ang tamang patakaran sa pag-utang ay umutang lang kung may katiyakan ang pagkukunan ng pambayad sa utang sa haba ng panahon na ang utang ay kailangan bayaran. Sa totoo lang, ni hindi ka dapat bumili ng bahay kung ang kaya mo lang ay ang downpayment at hindi ka sigurado na maipagpapatuloy mo ang monthly installments.  Malaki ang risko na ma-reremata lamang ang bahay mo at ang lahat ng iyong binayad na downpayment at iba pang mga improvements ay mawawala sa iyo.  Mahirap magbenta ng bahay kung ikaw ay hinahabol na ng bangko o ng SSS o Pag-ibig dahil sa hindi ka nakakabayad ng utang.  Mas mabuti pa na mag-ipon ka na lang muna at ilagak sa mga instrumentong magbibigay sa iyo ng kita.  Kung palarin ka at mayroon ka nang pambayad sa lahat ng gastusin sa pagbili ng bahay, saka ka lang dapat kumuha ng housing loan.

c) Alam mo ba ang tunay na halaga ng utang mo?  Ang bawat nagpapautang ay may kanya kanyang estilo ng pag-compute ng kabuuan na halaga ng utang mo. Kalimitan, ang nagpapautang ng walang kolateral o ng personal loan ay umaabot sa 50-60-% bawat taon.  Ibig sabihin nito ay sa bawat PhP10 na inutang mo, magbabayad ka na ng PhP5-6 bawat panahon na napagkasunduan.  Bukod pa ito sa ibabalik mong PhP10 na inutang mo.  Minsan, hindi mo agad-agad makikita na yoon nga ang tunay na cost of borrowing dahil lumalabas na ang hulugan buwan buwan sa tingin mo, ay kaya mo naman bayaran.

Importante ay ang masusing pagsuri ng lahat ng kasali sa pagbayad ng utang.  Hindi lang ang interes ang tinitingnan.  Mayroon pang ibang mga bayarin na kailangan intindihan para malaman ang tunay na kabuuan ng halaga ng utang mo.  Ang mga ibang bayarin bukod sa interes ay iba-iba depende sa nagpapautang kayat ikaw lamang ang makapagsasabi ng tunay na halaga ng utang mo.

Napakaraming utang na akala mo ay mura dahil sa ang nakikita mo ay ang buwan-buwan na bayad na parang kaya mo naman gampanan.  Ngunit kapag ito ay iyong isinuma , baka magulat ka na ang tunay na interes na binabayaran mo pala ay aabot sa 60% bawat taon.

Bibigyan kita ng simpleng example at formularyo.  Hindi ito ang ginagamit na formularyo ng mga financial analyst dahil ito ay simple average lang at hindi binibigyang pansin ang tinatawag na time value of money.  Ito ay  isang simpleng halimbawa ng utang at kung paano na-compute ang tunay na cost of borrowing. Ang mga numero dito ay halimbawa lang:

A Ilang buwan babayaran ang utang 12months 24months
B o 1 year o 2 years
PhP PhP
C Ang gusto mong utangin 50000 80000
D Processing fee – sasabihin sa iyo ng Lender -5000 -8000
E Ang makukuha mong cash (C minus D) 45000 72000
F Buwan-buwan na bayarin – sasabihin sa iyo ng Lender 5833.33 6666.67
G Suma ng lahat ng babayaran mo (F x A) 70000 160000
E Ang nakuha mong Cash (E) -45000 -72000
H Tunay na cost of borrowing (G minus E)) 25000 88000
I Porsyento ng tunay na interes (H divided by E) 55.6% 122.2%
Cost of borrowing per year (F divided by B) 55.6% 61.1%

Tungkol naman sa mga nagkakautang sa Hong Kong dahil sapilitan silang dinadala ng kanilang agency sa financing company para mangutang ng hanggang PhP50,000, bilang karagdagan sa naibayad na nilang placement fee sa Maynila.”

Ito ay nakababahala dahil sa hindi ka dapat magpadala sa ibang tao na umutang kung ang paglalagyan mo ng inutang mo ay walang seguridad o kaya mapagpapaliban pa naman.

Isaloob natin na ang utang ay hindi ating pera.  Pera ng iba yan na dapat nating bayaran kung ating hiniram. Huwag na huwag natin isipin na dahil mayroon tayong “credit line” ay mayroon tayong pera. Ito ang dahilan kung kaya ang karamihan sa atin, ay nalulubog sa credit card debt.  Ang pananaw sa yaong credit balance ay pera na pwedeng gastusin sa anumang pangangailangan.  Tandaan natin na ang bigat ng pagutang ay yaong katiyakang obligasyon na dumadagdag sa ating mga gastusin sa bwan bwan.  Ito ay dapat tinatapatan ng may katiyakang daloy ng cash na pangbayad. Kung walang pagkukuhanan ng pambayad, wala ring karapatan na umutang.

Tags: , , , , , , , ,

One Response to “OFW BORROWINGS”

  1. riza angara versoza Says:

    its ok…if really need to take a credit…and its good because it helps to those who really in need…good if to used in business so that it can help to start….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: